header-photo

one of those things...

yehey. simula na nga nung summer vacation ko. hm, actually, dati pa nagsimula. ewan ko ba. parang natripan ko lang ulitulitin sa mukha ko na oo nga simula na.

hm, gumawa ako ng listahan ng mga dapat ko gawin o ng mga gusto ko gawin. nais ko naman kasing maging produktibo ngayong summer eh. hehehehm hindi ko na share yung list ko dito. wala lang.

napansin ko rin na ayaw ko na masyadong nagoonline sa YM.
unlike before na parang aliw na aliw ako sa pakikipagchat sa mga tao, ngayon mas gusto ko na lang na magbrowse o maggaming o hm, gumawa ng ibang bagay.

isa lang naman ang dahilan kung bakit ako nahilig sa YM dati. at ngayon, sigurado ako na wala na yung dahilang yun.........

nung sinulat ko yung title nung blog post na ito, hindi talaga ako sigurado sa kung ano ang magiging laman ng mga posts ko, o kung anuman ang aagos sa isipan ko..
siguro ito yung isa sa mga napakaraming pagkakataon kung kailan hinahayaan ko lang ang sarili ko na sabihin kung ano man ang pwedeng sabihin. ganunpaman, ayaw ko naman maging padalosdalos. ano ka ba. ang gulo ko.

nitong mga nakaraang araw, parang bumalong nanaman sa akin yung pakiramdam na ayaw ko muna magparamdam sa mundo. pero syempre, obvious naman na hindi ko yun ginawa. owel.


hm, magsusulat na lang ulit ako. ng bagong entry. baga sakaling dun, pwede na yung mga biglang pumapasok sa isipan ko.

ang kulit ko. pero ayaw ko sa makulit.
owel. cge.
mamaya na lang. hahaha.
God bless :P


p.s. gagala ata kami ni angge tom :)

0 comments: